08202017Sun
Last updateTue, 08 Aug 2017 4pm

disaster updates



News & Events

Mahigit P59B ilalaan sa reform dev’t agenda

MAHIGIT sa P59 bilyong halaga ng proyekto ang ilalaan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa Comprehensive Reform and Development Agenda (CRDA) para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at iba pang lugar na apektado ng kaguluhan sa Mindanao kabilang na ang Regions 9, 10 at 12.

 

Layunin ng CRDA na maiangat ang buhay at maibsan ang kahirapan ng mga tao na naninirahan sa naturang mga lugar.
    
Kabilang sa mga tututukang proyekto at programa ang pagpapalago ng  kabuhayan ng mga naninirahan sa mga naturang rehiyon upang maiiwas na ang mga ito sa pagsali sa mga rebelde at teroristang grupo.
    
“Pagtutok sa pagbibigay ng basic needs, infrastructure improvement at economic development ang pangunahing bibigyang pansin ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan,” ani Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong.
    
Ayon sa kalihim na inatasan ni Pangulong Duterte na maging punong tagapag-ugnay sa mga ahensiya ng pamahalaan  na tutugon sa pagresolba ng kahirapan at kagutuman  sa mga naturang lugar, ang simulaing ito ay bahagi ng kampanya ng administrasyong Duterte upang iangat ang kabuhayan at katayuan sa buhay ng mga taga-Mindanao na matagal-tagal na ring pinabayaan ng mga namumuno sa nasyonal na pamahalaan.
    
Kabilang sa mga nakalaang proyekto mula sa CRDA ay ang Salintubig Program; Bottom-up Budgeting (BUB) Water Supply at Community Infrastructure, Roads and Bridges ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
    
Para naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakalaan ang mga proyekto katulad ng Reducing Vulnerable of Children from Hunger and Malnutrition in ARMM; Cash for work for climate change adaptation and mitigation; Social pension for indigent senior citizens; Supplemental feeding program at Sustainable Livelihood Program.
    
Maglalaan naman ang Commission on Higher Education (CHED) ng scholarship fund para sa 8,982 students para sa 2017 mula sa ARMM (3,473 slots); Region 9 (2,078 slots); Region 10 (2,018 slots) at Region 12 (1,413 slots) at tatawagin itong Expanded Students Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA).
    
Magbibigay din ang TESDA ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Private Education Student Financial Assistance (PESFA) para naman sa mga residenteng gustong magkaroon ng skills training.
   
Halos apat na ulit ang dami ng mga ibinibigay na scholarship ni Mamondiong kumpara sa nakalipas na administrasyon kung saan ay magkakaroon ng 30,000 scholars sa Region 9, 45,000 sa Region 10; 30,000 sa Region 12 at 60,000 sa ARMM.
    
Nakatakda ring mamahagi sa mga residente ang Department of Agriculture (DA) ng agriculture assistance tulad ng farm equipment/machineries; rice and corn seedlings at iba pang mga kagamitan para sa pagsasaka.
    
Mamamahagi rin ang PhilHealth ng insurance coverage para sa mga bagong card holders sa pamamagitan ng National Health Insurance Program para sa taong 2016 hanggang 2017 na siyang magagamit ng mga magbebenipisyo para sa kanilang kalusugan.
    
Magpapatayo naman ng mga health facilities ang Department of Health (DOH) sa ilalim ng programang Health Facility Enhancement Program (HFEP) at ang pagkakaroon ng Doctors to the Barrios and Rural Health Practice Program para sa 2016 hanggang 2017.
    
Magiging abala rin ang Department of Energy (DOE) para sa mga proyekto tulad ng NEA-Sito Electrification Program (SEP); NEA-Barangay Line Enhancement Program (BLEP); DOE-LFP-Nationwide Intensification of Household Electrification (NIHE); DOE-LFP-Household Electrification Program na gagamitan ng Renewable Energy at DOE Administered ER 1-94 Electrification and Support Project.
    
Mag-aambag din ang ARMM organizations tulad ng DepEd ARMM ng mga school supplies para sa mga slow learners and malnourished pupils mula sa 31 apektadong paaralan sa 9 na distrito sa Maguindanao na manggagaling naman sa Support Services Education Recovery.
    
Mamamahagi naman ang ARMM Regional Board of Investment ng Certificate of Registration mula sa Kaltimex Rural Energy Corp. (KREC) na nakabase sa Tawi-Tawi.
    
Kabilang pa sa programa ng ARMM ang Social Pension Payout; ARMM BRIDGE Food distribution, Rice and Malong Distribution at PAMAN Distribution of Farm Equipment na ipamamahagi ng DSWD-ARMM habang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-ARMM) ay mamimigay ng bancas, fish coral cribs, fish pots at fish cages para sa mga community-based hatchery.
    
Ang tanggapan naman ng Department of Agriculture and Fisheries (DAF-ARMM) ay mamahagi ng corn mills, hand tractors at hauler tractors samantalang ang Department of Agrarian Reform (DAR-ARMM) ay magbibigay ng tractors, threshers/huskers, corn shelters, corn mills, mobile and stationary rice mills at milti-purpose shredder.
 
Samantala, mamamahagi naman ng knapsack sprayers, plow and harrows, howwire and U-nails at guyabano planting materials ang ARMM HELPS at iba pang proyekto para sa bawat komunidad habang maglalaan din ang Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) ng education assistance at child development centers.
    
Bukod sa mga nabanggit na proyekto ay nakatakda ring maglaan ng pondo para sa iba pang ahensiya ng gobyerno na makatutulong sa CRDA.

  • Latest Post

  • Most Read

Casino gbetting.co.uk/casino reviews and sign up bonuses.